-
Your Family Needs Renewal – or It Dies. Ito na ang Solusyon.
For many years, hnihiling ng mga readers (at fans) ni Bo na sumulat siya ng libro tungkol sa buhay-pamilya.
“Please Bo, kailangang-kailangan namin ng gano’n!” sabi nila.
But somehow, after 29 bestselling books, pakiramdam noon ni Bo ay hindi pa tama ang panahon para sumulat siya ng libro tungkol sa buhay-pamilya.
Until now.
Sa pagpapaliwanag niya kung bakit natagalan ito, isinulat niya “Ngayon, dama kong mayroon na akong kredibilidad. Hindi na ako basta-basta nangungusap lang. Hindi na ako nagsasalita base sa theory lamang kundi sa mga nahugot kong kaalaman at karanasan sa araw-araw naming pagsasama ng misis ko nang 14 na taon, at sa pagpapalaki sa dalawang pinakamababait na anak sa buong planeta. At anong natutunan ko? Na ang buhay-pamilya ay tulad ng pagtutulak ng karitong punong-puno ng tatlong maleta at apat na balikbayan boxes, at may kaliwang gulong na lumalangitngit paakyat sa matarik na rampa sa dating Manila International Airport.”
With incredible depth, humor and simplicity, madadala ka sa powerful message ni Bo sa librong ito.
Get ready to be very blessed!
-
Panahon nang isaayos ang financial life mo!
Lubog ka ba sa utang? Nahihirapan ka bang kumita nang sapat para sa mga gastusin mo? Hindi mo ba mapagkasya ang kita mo sa isang buwan?
Kung ganoon, baka wala sa ayos ang financial system mo kaya sa halip na sumagana ka sa buhay, lalo kang nagigipit.
Sa mga pahina ng librong ito, ituturo sa iyo ng Catholic lay preacher at bestselling author na si Bo Sanchez kung paano mo maisasaayos ang financial life mo gamit ang isang bago at mabisang sistema.
Ang sistemang ito ay binubuo ng limang life-changing actions:
- Believe: Palawakin ang Isipan Mo, Palaguin ang Pera Mo
- Serve: Palakihin ang Kita Mo sa Pamamagitan ng Karagdagang Paglilingkod
- Grow: Palaguin ang Anointing Mo, Palaguin ang Pera Mo
- Duplicate: Gumawa Ka ng Kopya ng Sarili Mo, Paramihin ang Yaman Mo
- Invest: Kung Paano Ka Magiging Bilyonaryo
Baguhin mo nang tuluyan ang financial life mo at sumagana ka sa paraang iniukol ng Diyos para sa iyo!
-
Anong habits ang kailangan mong itapon?
Isipin mo ang isang pundidong ilaw. Hindi na nito magagawa ang trabaho niyang magbigay ng liwanag. Anong ginagawa mo sa isang pundidong ilaw? Itinatapon mo ito at bumili ka ng bago. (Hindi ka gumagawa ng isang museo ng pundidong ilaw.)
In the same way, may mga kinasanayan kang gawin na hindi na nakatutulong sa’yo. Hindi ka na nito pinapasagana. Hindi ka na nito ginagawang mabuting tao o inilalapit sa mga pangarap mo, At higit sa lahat, hindi na nito nabe-bless ang mga taong mahal mo.
Hayaan mong maging mentor mo si Bo Sanchez para sa pagbabago ng buhay mo. Ang hawak mong libro ay hindi lang ordinaryong libro, pero isang step-by-step Personal Change Manual. Bawat pahina, bawat kuwento, bawat kaalaman ay ihahanda ka para magbago ang buhay mo – para hindi ka maging museum ng mga pundidong ilaw. Sa halip, ikaw ay magiging isang bahay na puno ng magagandang ilaw, kumikislap at nagliliwanag, nagbibigay ng inspirasyon sa iba para baguhin din ang buhay nila.
-
Bring Out the Radical Discipler in You!
Have you been tasked to disciple the youth? Do you feel frustrated that your efforts are not bearing fruit? Do you feel unworthy and inadequate as a youth discipler? Worry no more as this handy guide addresses your many issues and worries in discipling young people.
Born from his personal experiences as a youth discipler, Niko Capucion shares the nitty-gritty of how discipleship starts within yourself, how to bring other people along in the journey of becoming more like Jesus Christ, and how to help them become disciple makers themselves.
Moreover, this guide will help you:
• Identify the obstacles and lies that keep you from having the right attitude in youth ministry;
• Combat these hurdles with the important truths to strengthen your call to serve;
• Discover the power of stories and the four principles of one-on-on discipleship;
• Acquire the right discipler values through the leadership watchlist;
• Answer your frequently asked questions on discipleship;
• And many more!
Get ready to be generous, radical, and reckless in your love for the youth!
-
SABBATH is a study guide for Scripture readings of each day. Its purpose is to encourage Catholics to understand with greater depth the word of God and thereby apply it in their personal lives.
-
SABBATH is a study guide for Scripture readings of each day. Its purpose is to encourage Catholics to understand with greater depth the word of God and thereby apply it in their personal lives.
Delivery will start by October 2020.
-
“Jason Evert has synthesized the life and teaching of Pope John Paul II around the motives that mark a saint’s life: what great loves moved him to be the witness to the Gospel, the apostle to the modern world, a mystic who was also philosopher and pastor? Reading this book, those who knew him will find themselves smiling and nodding; those who never met him will come to know him.”
— Francis Cardinal George, OMI
“Jason Evert offers readers an insightful, popular introduction to St. John Paul’s life and loves.”
— George Weigel, author of Witness to Hope and The End and the Beginning
“Amid the great array of John Paul bios, this one stands out because of the evident love the author has for his subject. In this telling, love draws out new riches and makes a familiar story fresh and new.”
— Fr. Michael Gaitley, MIC, bestselling author, 33 Days to Morning Glory and Consoling the Heart of Jesus
*Available on Paperback format only.
-
Tayo’y Makinig
Napakaingay ng ating mundo. Palaging may radio, TV, cell phone o computer na walang tigil na nangungusap sa atin. Pati ang ating isipan tuloy ay maingay na rin. Ang ating kaluluwa ay labis na sabik sa katahimikan.
Sa maliit na aklat na ito, hayaan mong ibahagi ni Rissa Singson Kawpeng ang banayad na tinig ng Diyos sa pamamagitan ng mga ordinary at pang-araw-araw na pangyayari sa buhay.
Oo, nangungusap pa rin ang Diyos, kahit sa ating modernong panaho.
Ang tanong: Nakikinig ka ba?
-
Kasama mo si Kristo sa Jeep
Posible kayang humugot nang malalim na pagninilay mula sa mga ordinaryong pangyayari sa buhay natin?
Posible kayang makakita ng ibang pananaw mula sa mga gawaing nakasanayan na nating gawin araw-araw?
Posible kayang magkaroon tayo ng pagkakataong mapalalim ang ating pananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng simpleng pagsakay natin sa jeep?
Posible ang mga ito. At patunay ang librong ito na posible ang mga bagay na iyan.
Ang librong ito ay isang paglalahad ng mga karanasan sa pagkokomyut, at paglalapat ng mga pagninilay tungkol sa pananampalataya dulot ng pagkokomyut na iyan. Gamit ang kanyang kinagigiliwang humor, dadalhin tayo ni Father Janpol sa isang pagtanaw sa kanyang mga karanasan sa loob ng jeep na nagbibigay ng pagninilay tungkol sa pananampalataya.
Sa huli, adhikain ni Father Janpol na tayo’y mamulat sa mga pangyayari sa loob ng jeep na maaaring kapulutan ng aral at inspirasyon.
Naniniwala si Father Janpol na ang mga nararanasan natin sa jeep ay maaring ihalintulad sa mga karanasan ng mga sinaunang tao sa Biblia.