atepoma

Ate Poma

Author of #Wasak

Pwede mo siyang tawaging Poma, Mommy Poma, Sis Poma o Ate Poma. Alam mo ba na ang nickname niya ay di nagmula sa kanyang rst name? Maricel B. Pomares ang full name niya. Kinuha ang nickname niya sa surname niya na kagagawan ng high school classmate niya noong first year pa lang sila. Isang Bicolana na mula sa Pili, Camarines Sur, nakapagtapos siya ng AB Mass Communications sa Universidad de Sta. Isabel (USI) sa Naga City at Certificate in Theological Studies sa Divine Word School of Theology (DWST) in Tagaytay City.

Masayahing tao si Poma at mahilig gumawa ng life re ections. Ito ang naging dahilan kaya nakahiligan niya ang pagsusulat. Sa ngayon, isa siyang writer/ contributor ng Youngster at Halo magazines ng St. Paul’s Publishing. Maliban sa writing, si Poma ay isang teacher din sa Catholic Filipino Academy. Anong subject? Karate. Curious ka? Abangan mo na lang ang susunod niyang book.

Naisulat niya ang kanyang unang aklat na Dancing In The Storm: How To Transform Your Problems Into Blessings noong 2011 sa tulong ng St. Paul’s Publishing.

Bago siya natutong magsulat ng English, nasanay muna siya sa pagsusulat ng Filipino. Sa Filipino subject nila noong high school, nakagawa siya ng script para sa kanilang theater presentation sa loob ng isang oras lamang.

Ang kanyang paglalakbay sa buhay-pananampalataya ay nagsimula noon taong 2003. Iyon ang taon na sumali siya sa choir at sa karate club. At ito rin ang taon kung saan dumaan siya sa isang malaking dagok sa buhay nang mamatay ang kanyang ina. Siya ay 19 years old pa lamang noon.

Marami pa ang pagdaraanan ni Ate Poma. Mahaba pa ang kanyang lalakbayin pero patuloy siyang magsusulat para gisingin ang mambabasa sa katotohanan ng kanilang buhay. Nariyan ang Diyos para umalalay at magbigay ng buhay